Tuesday, March 23, 2010

Bibliyograpiya

PINAGKUNAN SA AKLAT:

Cayetano, V. (1985). E.O. 857 FILIPINO OVERSEAS WORKER’S REMITTANCES: THE MULTIBILLION DOLLAR QUESTION. Quezon City, Philippines: Paragon Printing Corporation

Bosi, M. (2005). Ekonomiks: Pinaunlad at Pinabago. 203 Mindanao Ave. Ext., Proj. 8, Quezon City: DANE Publishing House, Inc.

Contreras, F.E. (2005). Overseas Filipino Workers. No. 5 Pryseo St., San Juan, Antique 5700: Hiraya Media Arts

Lirio, J. (2008). Gabay Bago ka Umalis ng Bansa. #1 Josephine St. Parkway, Quezon City: Aklat ANI Publishing and Educational Trading Center

Nuevo, S., Nera-Lauron, M.T., Madula, R. (2009). Ekonomiks: PARA SA FILIPINO EDISYONG 2009. IBON Center, 114 Timog Avenue, Quezon City: IBON Books

Ople, S., (2008). Paalis ka na pala: Gabay para sa OFW. Manila, Philippines: Blas F. Ople Policy Center and Training Institute

Sicara, P., (2008). Philippine Migration Journalism: A practical handbook. Los Banos, Laguna: Aglipay Publishing Company

Torres-D’mello, Ph. D., A., (2006). Being Filipino Abroad. 1680 E. RODRIGUEZ AVE., CUBAO, QUEZON CITY: Saint Bernadette Publications Inc.

Verzosa, A. (2004). Kahabag-habag na Migranteng Manggagawa. 264-A Pablo Ocampo Sr. Avenue San Antonio Village Makati City, PHILIPPINES: The Bookmark, Inc.

Wilbraham A., Staley, D., Matta, M., (1999). The World Factbook. Ohio, USA.: Addison-Wesley Publishing Company

PINAGKUNAN SA ARTIKULO:

Barcelona, N., (2008). Lumalakas ang Piso, nanghihina ang Pilipino. Action Man, 15.

Estrada, L. (2008). OFW sang sumasagip sa ekonomiya ng bansa. Doktora ng Masa, 12.

Marcelino, C. (2008). Lamat ng Pasasalamat. Direct to the point! !, 26-27.

Santos, S. (2006). Salbabida ng ekonomiya, sagansa sa pagpapabaya. Barangay RP, 15.

PINAGKUNAN SA WEB:

http://www.youtube.com/watch?v=AmsAPTmNvBI

http://www.poea.gov.ph/html/aboutus.html

http://www.owwa.gov.ph/index.php?page=about-owwa

http://www.dole.gov.ph/secondpage.php?id=57

http://www.theodora.com/wfbcurrent/philippines/philippines_economy.html

https://www.cia.gov/library/publications/the-world-factbook/geos/rp.html#Econ

http://www.gmanews.tv/story/127028/RPs-reliance-on-OFW-funds-means-economy-is-in-constant-crisis--group

http://www.gmanews.tv/story/65006/Hagupit-ng-malakas-na-piso-sa-OFW

http://www.gmanews.tv/story/170866/ofw-remittances-kept-rp-afloat-economist-says

Rekomendasyon

Para maiwasan ang pagkakapos ng mga magagaling na trabahador, gayundin ang pag-iwas sa brain waste, pinakamainam na taasan na lang ang suweldo ng mga doctor, pati na rin ang mga ibang manggagawa. Mahirap mang gawin pero ito lang talaga ang paraan sa problemang ito. Kung umonti din naman ang mga OFW, dahil dito siguradong may mananatili namang mga magagaling na manggagawa sa Pilipinas na magdadahilan ng pag-usbong ng bansa. Sa madaling salita kung bumababa ang remittances dahil sa pagbaba ng bilang ng mga OFW, kalakip nito ang pagtaas ng wokforce ng Pilipinas.

Kongklusyon

Ayon sa naisagawang pag-aaral ng mga mananaliksik, pagpakokonklud ng mga mananaliksik na base sa katawan ng pananaliksik ay may mga magagandang naiaambag ang mga OFW sa ekonomiya ng bansang Pilipinas. Ito ay dahil sa patuloy nilang pagpapadala ng mga remittances na nagpapanatili sa pag-angat ng daloy ng ekonomiya ng bansa subalit masasabi nila, batay sa mga prodyeksiyon tulad ng sa mga iba’t ibang salik tulad ng “brain waste” at ang pagpapadala ng mga magagaling na Pilipino sa ibang bansa, posibleng magreresulta ng pagkulang ng mga magagaling na manggagawa sa loob ng Pilipinas.

Pagpapakahulugan sa mga termino

1. Fiscal crisis – kawalan ng kakayahan ng isang bansa o estado na palakihin ang kita mula sa buwis para sa programa nito

2. Remittances – ito ang tawag sa perang pinapadala sa ibang bansa

3. Labor force – kabuuang dami ng may trabaho o naghahanap ng trabaho sa loob o sa labas ng bansa

4. Labor Theory of Value - ito ang teorya na kung saan ang halaga ng kalakal ay magkaugnay sa paggawa na kakailanganin para maiprodyus o mailabas ang halaga ng paggawa

5. Brain Waste – ito ang tawag sa mga manggagawa na mataas ang propesyon sa sariling bansa, ngunit bumababa ang propesyon kapag sila ay nagtatrabaho sa ibang bansa

6. Domestic Helper - ito ang tao na naninilbihan sa bahay ng kanyang pinapasukan. Ang mga ito ay karaniwang gumagawa ng iba’t-ibang gawaing bahay para sa isang indibidwal o sa nag–aalaga ng bata at sa matatanda hanggang sa paglilinis ng bahay

7. Imported goods – ito ang produkto na inaangkat mula sa ibang bansa patungo sa ibang bansa

Prodyeksyon

Ang mga mananaliksik ay nakapag-isip ng ilang mga posibleng maging kahihinatnan sa ekonomiya ng kapalit ng kondisyon ng paglabas ng mga OFW sa bansa.

1. Ang usapin tungkol sa “brain waste” na kung saan ang mga migranteng manggagawa na may mataas na propesyon dito sa bansa ay bumababa ang lebel kung ito’y umaalis patungo sa ibang bayan. Ang maaaring maging epekto nito sa ekonomiya ng bansa ay mababawasan ang kalidad ng lakas-paggawa dahil sa pangingibang bansa ng mga manggagawa at may mataas na kontribusyon sa ekonomiya ng bansa. Babagal ang ekonomiya.

2. Isang praktikal na halimbawa, isang inhinyero ang dapat sana’y nakapag-ambag sa industriya ng bansa sa pamamagitan ng mga napapatayong imprastraktura ngunit dahil sa paglisan sa bansa, natutulungan niyang payamanin ang iba pang bansa.

3. Ang isa pang usapin ay ang pagtangkilik ng mga migranteng manggagawa ng produkto ng ibang bansa o “imported goods” sa pamamagitan ng pagbili ng mga pasalubong sa pamilya ay mas nakikinabang ang GNP at GDP ng ibang bansa na ginagamit na batayan sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

4. Kung masyadong nakasandig ang ekonomiya ng Pilipinas sa mga “remittances” ng OFW, tataas ang halaga ng dolyar laban sa piso, na maaaring makapanghikayat sa iba pang manggagawang Pilipino na magtrabaho na rin sa ibang bansa.

5. Kapag natapos na ang kontrata ng isang OFW, ay hindi ito kaagad makakakuha ng trabaho dahil sa kahirapan ng paghahanap ng trabaho sa bansa. Ang tipikal na manggagawa ay hahantong na lamang sa pagiging hindi produktibo. Dahil dito, unti-unting bumabagal ang ekonomiya ng bansa.