Tuesday, March 23, 2010

Prodyeksyon

Ang mga mananaliksik ay nakapag-isip ng ilang mga posibleng maging kahihinatnan sa ekonomiya ng kapalit ng kondisyon ng paglabas ng mga OFW sa bansa.

1. Ang usapin tungkol sa “brain waste” na kung saan ang mga migranteng manggagawa na may mataas na propesyon dito sa bansa ay bumababa ang lebel kung ito’y umaalis patungo sa ibang bayan. Ang maaaring maging epekto nito sa ekonomiya ng bansa ay mababawasan ang kalidad ng lakas-paggawa dahil sa pangingibang bansa ng mga manggagawa at may mataas na kontribusyon sa ekonomiya ng bansa. Babagal ang ekonomiya.

2. Isang praktikal na halimbawa, isang inhinyero ang dapat sana’y nakapag-ambag sa industriya ng bansa sa pamamagitan ng mga napapatayong imprastraktura ngunit dahil sa paglisan sa bansa, natutulungan niyang payamanin ang iba pang bansa.

3. Ang isa pang usapin ay ang pagtangkilik ng mga migranteng manggagawa ng produkto ng ibang bansa o “imported goods” sa pamamagitan ng pagbili ng mga pasalubong sa pamilya ay mas nakikinabang ang GNP at GDP ng ibang bansa na ginagamit na batayan sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

4. Kung masyadong nakasandig ang ekonomiya ng Pilipinas sa mga “remittances” ng OFW, tataas ang halaga ng dolyar laban sa piso, na maaaring makapanghikayat sa iba pang manggagawang Pilipino na magtrabaho na rin sa ibang bansa.

5. Kapag natapos na ang kontrata ng isang OFW, ay hindi ito kaagad makakakuha ng trabaho dahil sa kahirapan ng paghahanap ng trabaho sa bansa. Ang tipikal na manggagawa ay hahantong na lamang sa pagiging hindi produktibo. Dahil dito, unti-unting bumabagal ang ekonomiya ng bansa.

No comments:

Post a Comment