Ayon sa blogsite ni Rogelio L. Ordoñez na “Pluma at Papel”, nagsimula ito matapos ang digmaang Pilipino-Amerikano. Naging kolonya tayo ng Amerika at ipinatupad ng gobyerno ang mga patakaran ng malayang kalakalan kaya naging tambakan ang bansa ng sobrang mga produkto ng Estados Unidos at, higit pang masama, dahil sa masidhing pangangailangan ng Amerika sa hilaw na mga materyales, hinuthot nito ang likas na yaman ng bansa na nagpalaganap ng karalitaan hanggang sa kanayunan at tuluyang nagbunsod sa migrasyon ng manggagawang Pilipino.
Sa kasaysayan ng pandarayuhan ng manggagawang Pilipino—na kilala ngayon bilang OCWs (Overseas Contract Workers)—maaaring ang kauna-unahang napatalang migrasyon ng mga ito ay ang pagdating sa Hawaii noong Disyembre 20, 1906 ng grupo ng 15 kalalakihang Ilokano upang magtrabahong parang mga sakada sa plantasyong Olaa. Pagsapit ng 1934, umabot ng 120,000 ang nagkakandakubang manggagawang Pilipinong nagkalat sa mga taniman ng tubo at pinya at iba pang produktong agrikultural sa
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, mula ng huling taon ng dekada ‘40 hanggang dekada ‘60, libu-libong manggagawang Pilipino ang dumagsa sa mga konstruksiyong militar ng Amerika sa Pasipiko, lalo na sa mga isla ng Guam, Okinawa at Wake, ngunit inagrabiyado rin sa suweldo kung ihahambing sa sahod ng mga manggagawang Amerikano sa parehong trabaho.
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, mula ng huling taon ng dekada ‘40 hanggang dekada ‘60, libu-libong manggagawang Pilipino ang dumagsa sa mga konstruksiyong militar ng Amerika sa Pasipiko, lalo na sa mga isla ng Guam, Okinawa at Wake, ngunit inagrabiyado rin sa suweldo kung ihahambing sa sahod ng mga manggagawang Amerikano sa parehong trabaho.
Nang pairalin pa ang Batas Militar ng diktadurang Marcos noong 1972, lalong humilahod ang pambansang ekonomiya, lalong naghirap ang ordinaryong mga mamamayan, at lalong tumaas ang halaga ng dolyar kontra sa piso kaya lalong tumindi ang migrasyon ng mga manggagawang Pilipino—babae man o lalaki—at napadpad sila sa iba’t ibang lupalop, sa Iraq man o sa Iran, sa Bahrain man o sa Kuwait o sa Dubai sa Gitnang Silangan, sa Angola man o sa Ethiopia at Nigeria sa Aprika, at maging sa Singapore, Hongkong, Taiwan, Japan at Korea sa Asya. Ang iba, kahit salat sa kaalaman at karanasan, ay napilitang sumuot at maglingkod sa pandaigdig na industriya ng pagbabarko, naglayag saanmang sulok ng mundo taglay ang mumunting mga pangarap na malimit namang nilalamon lamang ng dambuhalang mga alon sa malawak na karagatan.
No comments:
Post a Comment