Sunday, March 21, 2010

Kabanata IV: Kahalagahan ng mga OFW

Ang mga OFWs ay mga high earners, ayon sa isang blog mula sa GMAnews.tv, 10% ng 90B Pilipino ay nagtatrabaho abroad at ang mga ito ay high earners tulad ng nurses, maid, seamen, at iba pa. Dahil sa mga high earners na ito mayroong remittances ang mga Pilipino, ang ekonomiya naman ay nakikinabang sa pamamagitan ng pagbubuwis sa mga remittances na ito. Sa katunayan dahil sa mga buwis mula sa remittances ay nanatiling nakatayo pa rin ang ekonomiya ng Pilipinas ayon ulit sa blog mula GMA news.tv dahil noong 2008 ang $16.4B ay katumbas ng 10.4% ng GDP ng Pilipinas. Ibig sabihin lang noon, kung magpapatuloy ang mga OFW sa mga remittances at lalaki pa ito, patuloy ring makikinabang ang mga Pilipino at tataas ang GDP ng bansa na magreresulta sa pag-angat ng ekonomiya. Para sa mga huling pahayag, ayon sa Philstar: “Ang mga OFW ang tunay na dapat papurihan at pasalamatan sa pana­natiling buhay ng ekonomiya ng bansa. Marapat lang na gantihan sila ng pa­mahalaan ng sapat na serbisyo at suporta, at ng komprehensibong “training and apprenticeship program” upang ma-upgrade ang kanilang competitiveness na magti­tiyak naman ng tuluy-tuloy na supply ng mga Pi­lipinong “qualified skilled worker” sa iba’t ibang industriya.” Sa pagiging competitive at highly-skilled ng mga OFW mas pipiliin sila ng mga developed countries upang magtrabaho para sa kanila. Kung mas marami namang OFWs ang nakakapagtrabaho sa ibang bansa, mas marami ring remittances ang natatanggap ng Pilipinas.

No comments:

Post a Comment